Kinumpirma ng Al Qaeda ang pagkamatay ng isa sa kanilang lider.

Ayon sa grupo napatay si Qassim al-Raymi ang lider ng Islamist group al Qaeda sa Arabian Peninsula (AQAP).

Nauna ng sinabi ni US President Donald Trump na napaty si al-Raymi sa isinagawang counterterrorism operations sa Yemen.

Itinuturing kasi ng US na ang AQAP na siyang pinakamatinding sangay ng al Qaeda na itinaguyod ni Osama bin Laden.