-- Advertisements --
Kim Domingo

Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Kim Domingo na tatamaan ito ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa aktres, maliban sa pagiging maingat, may bitamina at minsan daw ay pinagtatawanan na siya dahil sa sobrang pag-disinfect ay fully vaccinated na rin ito sa covid vaccine.

Kaya naman laking gulat nito nang mag-positibo sa nakamamatay na sakit.

Matapos umanong mabakunahan ay nagdesisyon itong bumalik na sa trabaho at naka-schedule na rin para sa kanyang mga proyekto.

Kimo Domingo

Naka-set na raw noong Agosto 29 ang quarantine ng show nang biglang dumating ang hindi niya inaasahang pangyayari.

-- Advertisement --

Aminado rin itong labis siyang nalungkot at umiyak dahil hindi na siya makakasali pa sa show.

Sa kabila nito, naniniwala naman ang aktres na mayroon mas magandang plano sa kanya ang Panginoon.