Tinanggap noong Sabado, October 26, ng aktor na si Rocco Nacino ang kaniyang certificate of completion para sa Basic Civilian Military Training at isa nang opisyal na Philippine Navy reservist.

Nakakuha rin si Nacino ng citation matapos nitong makamit ang pinakamataas na grado para sa Physical Fitness Test.

Masayang-masaya na ibinahagi ni Rocco sa Instagram ang kaniyang tagumpay. “Today I was welcomed aboard as a Philippine Navy Reserve. Received the certificate of completion for the Basic Civilian Military Training, and a citation for finishing first for the Physical Fitness Test. Ready to work my way up! All of this not to brag, but to be of service by motivating the youth to embrace patriotism and instill discipline while early in their lives. Para sa Bayan, para sa Kinabukasan! #PhilippineNavy #Reserve”

Proud girlfriend din ang volleyball star na si Melissa Gohing sa kaniyang kasintahan at nagbahagi rin ito ng litrato nilang dalawa mula sa graduation.

Kasama rin ni Rocco sa kaniyang pagtatapos ang kaniyang mga magulang na sina Inda at Ralph Nacino.