Inilabas na ng Quiapo Church ang mga aktibidad at schedules para sa obserbasyon ng kapiyestahan ng Itim na Nazareno sa susunod na taon.
Sinabi ni Nazareno 2023 adviser Alex Irasga na isasagawa ang mga nakagawian na tradisyon maliban lamang sa pahalik at ang pasanan o ang parada.
Ipapalit na lamang ito ang pagpupugay at “walk of faith” procession pero walang kasamang imahe ng Itim na Nazareno.
Sa nasabing pagdalaw ay dadalhin ng mga pari at mga hijos ang imahe ng Black Nazarene sa mga simbahan sa iba’t-ibang bayan, barangay, sektors, opisina at komunidad mula Disyembre 1-5 at Disyembre 27-29, 2022.
Ang pagbasbas o blessing ng Itim na Nazareno ay isasagawa sa Plaza Miranda mula Disyembre 27 hanggang 29.
Sa araw ng kapiyestahan sa Enero 9, 2023 ay magsasagawa ng misa sa Quirino Grandstand.
Magugunitang tinanggal na nila ang aktibidad na traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.