Nagpapatuloy pa rin ang aktibidad ng Bulkang Taal batay sa monitoring Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa pinakahuling ulat ng naturang kagawaran, tumaas sa 9,623 tons ang ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal mula sa 4,472 tons na una nang naitala rito.
Aabot na rin sa 1,500 meters ang naobserbahang plumes sa nasabing bulkan mula sa dating 900 meters na una nang naitala rito sa direksyong northwest at north-northwest.
Bukod dito ay mayroon ding naitalang isang volcanic earthquake sa Bulkang Taal, at gayundin ang upwelling ng mga hot volcanic fluids Main Crater nito.
Samantala, sa ngayon ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang nasabing bulkan nang dahil sa naoobserbahang low-level unrest dito.
Ipinagbabawal din ang pagpasok sa loob ng Permanent Danger Zone nito, partikular na sa main crater, at Daang Kastila fissures, at gayundin ang pananatili at pamamangka sa Taal Lake.
Inabisuhan din ang mga piloto na bawal din muna ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa Bulkang Mayon.
Kasabay ng babala ng PHIVOLCS sa mga possible hazards na posibleng idulot nito kabilang na ang mga steam-driven, phreatic, or gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions of volcanic gas.