-- Advertisements --

Hinimok ngayon ng isang farmer’s group ang mga opisyal ng gobyerno na bilisan ang aksyon sa umano’y katiwalian sa National Food Authority (NFA).
Sa paniwala kasi ni Samahang industriya ng Agrikultura (SINAG) head Rosendo So, may mafia sa loob ng naturang tanggapan.
Ito’y matapos na may mga ulat na nagbebenta ang ahensya ng libu-libong toneladang NFA rice sa isang negosyante na sobrang baba ng presyo at palugi ang gobyerno.
Una nang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may mga opisyal ng NFA na nagbigay permiso sa bentahan ng milled rice na nakaimbak sa warehouse sa halagang P25 kada kilo.
Illegal umano iyon dahil walang nangyaring bidding.
Malaki rin aniya ang nawala sa pera ng bayan dahil ang pagbili sa mga palay ay sa halagang P23 kada kilo na at gumastos pa sa trucking, warehousing at pagproseso ng mga ito.
Hangad ng SINAG na mapanagot ang mga nasa likod ng katiwalian at pagbayarin ang mga gumawa nito upang hindi na pamarisan.