-- Advertisements --
ILOILO 3

ILOILO CITY -I ni-revoke ng Aksyon Demokratiko ang pag-file ng certificate of candidacy (CoC) ng isang party member na ginamit ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) upang tumakbo sa pagka-kongresista sa halip na sangguniang bayan member.

Sa panayam Bombo Radyo kay Bryan Cerebo, spokesperson ng Aksyon Demokratiko at Sangguniang Kabataan (SK) Federation president sa New Lucena, Iloilo, sinabi nito na ikinagulat nila na may kandidatong nag-file ng CoC upang kalabanin si incumbent Iloilo 2nd District Representative Michael Gorriceta.

Inamin naman ni Cerebo na blank CONA ang ginamit ng nasabing kandidato.

Ayon sa kanya, hindi dumaan sa local leadership at dumiretso ito sa national party leadership.

Aniya, magsasampa rin ang partido ng kaso laban sa nasabing kandidato at sa mga taong maaaring may kaugnayan sa nangyaring filing ng CoC.