KALIBO, Aklan — Ipinangako ng 25-anyos na si John Marlou Salido ng Kalibo, Aklan na agad sisimulan ang mga nabuong proyekto at ibabahagi ang mga natutunan sa dinaluhang Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) sa Amerika.
Si Salido ay isa sa lima lamang na napiling maging kinatawan ng Pilipinas at nakasama sa 41 young leaders mula sa 11 bansa sa Southeast Asia para sa Fall 2022 cohort.
Ayon sa kanya ang YSEALI ay mahalagang programa ng U.S. Department of State’s Bureau of Educational and Cultural Affairs (ECA), kung saan, binibigyan ng pagkakataong makapag-aral sa Amerika ng libre ang mga napiling kinatawan ng bawat bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang programa ay inilunsad noong 2013 upang palakasin ang leadership development sa buong ASEAN.
Mula September 17 hanggang October 21, 2022, sumailalim sila sa limang linggong leadership training kaugnay sa Social Entrepreneurship and Economic Development sa University of Connecticut.
Si Salido ay nakatakdang bumalik sa bansa bago matapos ang buwang kasalukuyan.