Cherry May Felizardo Regalado
Cherry May Felizardo Regalado

KALIBO, Aklan – Handang-handa na sa pagsabak ang Akeanon beauty queen at Pencak Silat multi-titled athlete na si Cherry May Felizardo Regalado sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Ayon sa 24-anyos na dalaga mula sa bayan ng Kalibo na hangad niya na makasungkit ng gold medal sa SEA Games.

Nabatid na si Regalado ay bumiyahe pa sa Jakarta, Indonesia noong Hulyo upang magsanay kasama ang Pencak Silat Philippine squad para mapabuti pa ang kanilang medal standings sa biennial meet sa Kuala Lumpur, Malaysia dalawang taon na ang lumipas.

Pinasalamatan rin niya ang paglalaro sa pencak silat dahil malaking tulong umano ito upang mapatapos ang pag-aaral sa Aklan State University-Banga campus.