KALIBO, Aklan — Sa kabila ng naitalang pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan, itinanggi ng Provincial Health Office na walang dengue outbreak.
Wala pa umanong bayan sa lalawigan ang umabot sa dengue alert level threshold, ngunit aminadong kailangang mag-doble kayod upang mapiligilan ang nasabing sakit.
Base sa talaan ng Department of Health Center for Health Development Regional Aedes-Borne Viral Disease and Prevention Program, nasa 275 na ang kaso ng dengue na naitala simula Enero 1 hanggang Hulyo 9, 2022.
Sa naturang bilang, dalawa ang namatay.
Karamihan sa mga tinamaan nga sakit ay mga babae na may 154 o 56%.
Halos 90% naman sa mga biktima ay mga bata na may edad 1 hanggang 10 taong gulang nga may 106 na kaso na sinundan ng 11 hanggang 20 anyos na may 66 kaso.
Nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso sa bayan ng Ibajay na mayroong 32.
Muling ipinaalala ng PHO-Aklan sa publiko na i-practice ang 4S strategy.
Nagsagawa na ng anti-dengue campaign ang mga opisyal ng barangay para linisin ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.