-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Ikinatuwa ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang posibilidad na ang lalawigan ay isa sa mga pagtatayuan ng sariling laboratory testing center na gagamitin para sa early detection ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Miraflores na matapos na malaman na si Dr. Raul Destura, ang naka-imbento ng murang COVID-19 testing kits ay dating katrabaho ng Aklanon na si Dr. Vic Quimpo ay agad itong nag-request na mapatayuan ng laboratoryo sa Aklan, at nakatanggap naman ng positibong sagot.

Maliban sa covid test ay maari rin umano itong magamit sa iba pang infectious diseases kagaya ng dengue.