Inanunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na babawasan na lamang sa dalawang oras ang aispace shutdown sa Mayo 17.
Ito ay mas maikli ng apat na oras kumpara sa inisyal na abiso na anim na oras na airspace shutdowm mula alas12 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga sa Mayo 17 para sa corrective maintenance activity.
Humingi naman ng paumanhin ang ahensiya sa abalang dulot nito sa pagbabago sa scheduled flight ng mga apektadong mga pasahero at humingi ng pang-unawa at kooperasyon kasabay ng pagsusumikap na mapanatili ang recommended standards ng air traffic management sa ating bansa.
Una ng inanunsiyo ng CAAP na isasara ang airspace sa mayo 17 para i-upgrade ang air traffic management system ng bansa, ikumpuni ang automatic voltage regulator at palitan ang uninterruptible power supply.
Nangangahulugan ito na walang flight operations sa buong bansa sa naturang time period kabilang sa matinding maapektuhan ang NAIA, Clark International Airport, Mactan-Cebu International Airport, at iba pang flights sa 42 CAAP commercially operated airports.
Ang hakbang na ito ay kasunod na rin ng naranasan nanamang power outage noong mismong Labor day, Mayo 1 kung saan libu-libong mga pasahero ang nakansela ang flights sa pangunahing gateway ng bansa.