-- Advertisements --

Isinara ng coup leader ng Niger ang kaniang air space dahil sa banta umano ng military intervention mula sa kalapit na bansa.

Isinagawa ang nasabing pagsasara ng airspace matapos ang kahilingan ng Ecowas group na ibalik sa pamumuno si President Mohamed Bazuom.

Nagbabala din ang Ecowas na maaring maharap sa military action ang junta at nagpasya sila na magpupulong sa susunod na mga araw para sa kanilang susunod na hakbang.

Nakakuha kasi ng impormasyo ang junta sa Niger na may ilang foreign power ang naghahandang umatake sa kanilang bansa.

Ito ay matapos na ang military chiefs mula sa Ecowas isang grupo ng 15 bansa kabilang ang Nigeria, Senegal, Togo at Ghana ang nagdetalye ng paggamit nila ng puwersa.

Magugunitang tinanggal sa puwesto si Bazuom at idineklara ni General Abdourahmane Tchiani ang commander ng presidential guard bilang bagong lider.