-- Advertisements --

Inaasahang bababa ang airfare o singil sa pamasahe sa mga airline sa susunod na buwan.

Kasabay ng inaasahang pagbawas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ng sinisingil na fuel surcharge ng local carriers.

Sa isang resolution na inilabas ng CAB ngayong araw, ibababa na sa Level 9 ang passenger at cargo fuel surcharge para sa buwan ng Setyembre mula sa kasalukuyang Level 12.

Nangangahulugan ito na ang singil para sa fuel surcharge mual sa mga pasahero ay bababa ng P287 hanggang P839 sa kada indibidwal para sa domestic flights sa ilalim ng level 9 mula sa kasalukuyang P389 hanggang P1,137 kada pasahero sa ilalim ng Level 12.

Para naman sa international flights, ang fuel surcharge ay bababa ng P947.39 hanggang P7,044.27 mula sa P1,284.40 hanggang P9,550.13.

Ang hakbang na ito ng CAb ay matapos na bumaba sa average na P46.73 kada litro ang presyo ng jet fuel base na rin sa latest monitoring.

Ang fuel surcharges ay ang karagdagang fees na pinapayagang kolektahin ng airlines para matulungan silang makarekober mula sa mataas na presyo ng fuel at dagdag pa dito ang base fares.

Narito ang fuel surcharges na babayaran ng mga pasahero sa airlines na babiyahe mula manila patungong caticlan P410 habang sa mga may flights naman mula Manila patungong Iloilo, Bacolod at Puerto Princesa, P571 kada isang pasahero.

Para sa mga may flights mula Manila patungong Dumaguete, Tagbilaran, Surigao at Siargao ang fuel surcharge ay nasa P726 sa bawat isang pasahero.