Nanamlay ang shares ng Airbus matapos nitong kumpirmahin ang ikalawang isyu sa metal paneling ng ilang A320 jets.
Ang mga panel na gawa ng Sofitec Aero ay lumabas na may depektibong kapal at kailangang inspeksyunin.
Tinatayang mahigit 600 eroplano ang posibleng apektado ngunit iginiit ng Airbus na ligtas pa rin ang mga biyahe.
Ito ay tatlong araw lamang matapos ang anunsyo ukol sa software recall sa halos 6,000 A320 dahil sa epekto ng solar flares sa flight-control system.
Nagdulot ito ng malawakang pagkaantala sa operasyon ng ilang airlines, partikular sa Latin America at Asia.
Dahil sa sunod-sunod na aberya, bumagsak ang presyo ng Airbus shares sa Paris trading.
Nanatiling nakamasid ang mga regulators at investors sa susunod na hakbang ng Airbus upang maibalik ang tiwala sa kanilang produkto. (ibtimes.uk)












