-- Advertisements --

Nagkansela na ng mga biyahe sa patungong South Korea ang airline company na AirAsia dahil sa pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang bansa.

Batay sa inilabas na advisory ng kompanya, alinsunod ang kanilang hakbang sa pagpapataw ng travel restriction ng gobyerno dahil sa sitwasyon ng public health sa South Korea.

“In compliance with the Philippine government’s directive imposing travel restrictions due to the current public health situation, AirAsia is canceling some of its flights between the Philippines and South Korea until the government’s further notice.”

Sa ngayon kanselado muna ang ilang flights ng AirAsia na papunta at galing ng South Korea.

Kabilang sa mga ito ang mga biyahe papunta at pabalik ng Kalibo-Incheon, Kalibo-Busan, Cebu-Incheon, at Manila-Incheon:

  • Z238 Kalibo-Incheon from March 4 to 28 (Wednesdays, Thursdays, Sundays)
  • Z239 Incheon-Kalibo from March 4 to 28 (Wednesdays, Thursdays, Sundays)
  • Z258 Kalibo-Busan from March 7 to 28 (Saturdays)
  • Z259 Busan-Kalibo from March 7 to 28 (Saturdays)
  • Z27046 Cebu-Incheon from March 3 to 28 (Tuesdays, Thursdays, Saturdays)
  • Z27047 Incheon-Cebu from March 3 to 28 (Tuesdays, Thursdays, Saturdays)
  • Z2888 Manila-Incheon from March 4 to 28 (Daily)
  • Z2889 Incheon-Manila from March 4 to 28 (Daily)

Maaari raw i-refund ng mga pasahero ang kanilang ticket o kaya ay i-urong ang schedule ng kanilang flights.

Hinimok naman ng kompanya ang kanilang mga pasahero na makipag-ugnayan na sa kanila kaugnay ng flight cancellations.

“All affected guests will be promptly notified via email or SMS. AirAsia strongly encourages guests to update their contact details using the ‘My Bookings’ feature on airasia.com to ensure that they receive timely notifications,”