-- Advertisements --

Pagsusuutin na ng French flag-carrier na Air France ng face mask ang kanilang mga pasahero para labanan ang coronavirus.

Ito ang naging kautusan ng gobyerno ng France na pagsuutin ng face mask ang publiko sa pagpapaluwag ng kanilang lockdown sa Mayo 11.

Ayon sa Air France na dapat ang mga pasahero ay may sariling dalang face mask.

Magpapatupad din ang airline company ng physical distancing sa kanilang flight.