-- Advertisements --

Sinuspinde ang pagbabayad ng terminal fees sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa loob ng tatlong buwan bilang tulong sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang pagtanggal ng bayarin na epektibo simula Mayo 18, 2026.

Tinatayang aabot sa mahigit P5 million ang matitipid ng mga PUV operator sa ilalim ng hakbang.

Kasama sa mga PUV na makikinabang sa suspensyon ng fees ang provincial buses, city buses, jeepneys (PUJ at modern PUJ), UV Express, at taxi. Dati-rati, may bayarin mula P10 hanggang P100 depende sa uri ng sasakyan.

Ayon sa DOTr, posibleng palawigin pa ang suspensyon depende sa magiging resulta ng pagsusuri sa epekto nito sa sektor ng transportasyon at sa presyo ng langis.