Ibinahagi ni actor-turned-congressman Javi Benitez na masaya siya para sa kanyang ex-girlfriend na si Sue Ramirez at sa kasalukuyang karelasyon nitong si Dominic Roque, at naniniwala pa siyang “endgame” na ang dalawa.
Sa isang panayam sa Quezon City, sinabi ni Benitez na magkasundo at bagay umano ang dalawa, at wala siyang masasabi laban sa kanila.
“I am very happy for her. Wala ako masasabi masama… I still believe she is one of the most accomplished yet underrated actresses,” ani Benitez.
Ayon sa kanya, parehong nais umano nina Ramirez at Roque na bumuo ng pamilya sa hinaharap.
“Both of them want to have kids… Bagay sila. Happy naman sila,” dagdag niya.
Matatandaang nagmula sa limang taong relasyon ang Benitez at Ramirez bago sila tuluyang naghiwalay noong 2024.
“Nag-usap kami and we both decided that we go our separate ways,” kuwento niya.
Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, hindi diretsong sinagot ni Benitez kung may bago siyang karelasyon ngunit sinabi niyang “happy” siya at naka-focus ngayon sa kanyang tungkulin bilang mambabatas at sa kanyang pag-aaral.
“Self-happiness… Mahirap isabay with work — especially since start ng Congress,” aniya.
Samantala, inamin din ng kongresista na dumaan sa pagsubok ang kanilang pamilya, ngunit nananatili siyang maayos ang komunikasyon sa kanyang ama na si Albee Benitez, sa gitna ng mga isyung kinasangkutan nito.
















