Naniniwala ang aktres na si Bela Padilla na mayroong maitutulong sa industrya ng pelikulang Pilipino ang panukalang batas na Local Film Industry Development Act.
Ang nasabing panukalang batas ay iniakda ni Negros Occidental Congressman and Committee on Creative Industry and Performing Arts chairperson Javi Benitez.
Ayon sa aktres na noong ipinakilala ng mambabatas sa kaniya ang nasabing panukala ay sinabi nitong makakatulong ito sa promosyon ng lokal na pelikula.
Dumalo ang aktres sa pagdinig sa House of Representatives para sa pagtalakay ng nasabing panukalang batas.
Hindi rin ito nagtagal dahil sa may hinahabol siyang shooting ng kaniyang pelikula.
Sa kaniyang social media account ay idinaan nito ang nasabing mga idea at magandang maidudulot ng nasabing panukala.
Tiniyak nito na suportado niya ang mga lokal na pelikula sa bansa.















