AIMAG
-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Olympic Council of Asia (OCA) na tuloy na sa susunod na taon ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG).

Isasagawa ito sa Nobyembre 17 hanggang 26, 2023 sa Thailand.

Sinabi ni Philippine Olympic Committiee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na isinagawa ng OCA ang anunsiyo isang araw matapos na ianunsiyo ang pagsasagawa ng Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam sa buwan ng Mayo.

Magugunitang unang itinakda ang AIMAG noong Marso 10-19, 2022 subalit nagdesisyon ang organizers na ipagpaliban ito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.