AiAi Delas Alas
AiAi Delas Alas/ IG post

Inamin ni Ai-Ai delas Alas na marami itong pinagbayaran kaugnay sa pagiging kalaguyo niya sa loob ng pitong taon.

Sa pagharap sa ilang entertainment reporters, nagbigay ng payo ang 54-year-old actress na hangga’t maaari ay iwasan na lamang ang pagiging mistress dahil masama ang maging “Kabite City.”

Hindi naman nabanggit ng komedyante kung sino ang naturang lalaki pero napakabigat aniya sa pakiramdam at parati siyang malungkot noong nasa sitwasyon pa.

“Parang ang bigat-bigat ng buhay mo tapos parati kang malungkot,” bahagi ng pahayag ni delas Alas. “Kasi sabi nga nila bawat pagpatak ng luha nung legal na asawa, ‘yon ‘yong pagbabayaran mo. So ako tingin ko marami akong pinagbayaran.”

Si Ai-Ai ay mayroong tatlong anak na sina Sancho, Sean at Sofia.

Taong 2017 nang siya ay ikasal kay Gerald Sibayan na na naging kontrobersyal dahil sa umano’y age gap issue.