-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr, na magbibigay ito ng P1-milyon na reward sa mga atleta ng kanilang lalawigan na makakabasag ng national records sa Palarong Pambansa 2026.
Nakatakda kasing gawin sa Agusan del Sur ang Palarong Pambansa mula Mayo 24 hanggang 31.
Sinabi ng gobernador, na ang nasabing insentibo ay para lamang sa mga atleta na makakalagpas ng national records at hindi lamang sa records sa palaro.
Ito rin dapat ay sertipikahan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng muntikan ng makapagtala ng record performance si Christine Castro sa 100-meters hurdles sa Caraga Regional Athletic Games (CRAG) sa Surigao City.
















