-- Advertisements --

Napili ang Lungsod ng Quezon bilang susunod na maging host ng Palarong Pambansa 2027.

Kinumpirma ito ng Department of Education (DepEd) Undersecretary Malcolm Garma, na mayroon na silang koordinasyon sa Quezon City government ukol sa hosting nila ng 67th edition ng annual multi-sport event.

Sa darating ng closing ceremony ay magtutungo ang delegasyon ng Quezon City para sa turnover ng hosting ng nagsabing sporting event.

Magugunitang ang host ngayong taon ng Palarong Pambansa ay ang Agusan del Sur kung saan mayroong mahigit 13,000 na estudyanteng atleta ang lumahok.