-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Ipinagpatuloy na muli ang mga laro sa table tennis sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2026 matapos itong pansamantalang ipinahinto kahapon dahil sa naganap na sunog sa likurang bahagi ng Municipal Gymnasium sa bayan ng Talacogon, na siyang ginagamit na playing venue.
Nilinaw ng mga awtoridad na walang nasaktan o naapektuhan sa insidente na agad namang narespondehan at napigilan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay Tournament Director Alfredo Camacho, nagsimula ang pag-usok sa labas ng gym bandang alas-12:30 ng tanghali kahapon mula sa isang cubicle sa labas, dahilan upang mabilis itong maapula ng mga naka-standby na bumbero.
Dahil sa insidente, mag-e-extend sila ng oras upang matapos ang mga larong naapektuhan kahapon.
















