-- Advertisements --
image 127

Tiniyak ng pamahalaan na gumagawa ang mga ito ng hakbang para sa mga Overseas Filipino Workers na nais ng magbalik bansa at may interes na pumasok sa agriculture at agribusiness.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, kumikilos na ukol dito ang Department of Agriculture gayundin ang Department of Agrarian Reform o DAR.

Sa harap ng mga Pinoy sa Brussels, Belgium ay inihayag ni Ople na handa ang pamahalaan na tulungan ang ating mga kababayan na nais na magsaka at pumasok sa negosyong may kinalaman sa agrikultura.

Gamit aniya ang mga nakatiwangwang na lupain ay maaaring bahagi ito sa tinatarget ng Marcos Administration na matulungan ang mga OFW na nais ng magbalik bayan at makapagsimula ng panibagong buhay sa pamamagitan ng farming.

Sa kabilang dako ay idinagdag din ng Kalihim na pati ang Department of Information of Communications Technology o DICT ay kumikilos para suportahan ang mga Pilipino para manatiling competitive sa larangan ng Information of Communications Technology.