-- Advertisements --

Dismayado si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa naging tugon ni Philippine Insurance Commission Commissioner Dennis Funa kaugnay sa hindi makatwirang pagtaas ng minimum insurance premium rates for catastrophes gaya ng lindol, typhoon at pagbaha.

Ayon kay Congressman Lee maraming tanong ang dapat sagutin ng Insurance Commission, isa na dito ang hindi pag kunsulta sa private sector at sa mga consumer bago inilabas ang nasabing polisiya.

Tanong ng mambabatas bakit sila-sila lamang ang nag uuusap at ang tatamaan ay ang mga nagbabayad ng insurance at makaka apekto din sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Congressman Lee, hindi tumugon si Commissioner Funa sa sulat na kaniyang ipinadala, subalit batay sa isang e-mail interview, sinabi ni Funa na ang premiums para sa catastrophe risk ay huling na adjust nuong 2006 kaya kailangan ng taasan ang old premium structure dahil ito ay “unsustainable.”

Dagdag pa ni Funa sa pinakamahabang panahon, ang iba pang mga non-life insurance na linya ng negosyo ay siyang nag-subsidize sa catastrophe insurance products and claims.

Hindi naman kumbinsido ang mambabatas sa naging tugon ni Funa dahil walang ulat na nalugi ang mga insurance company.

Hamon ni Lee ilabas ng Incusarance commission ang kanilang libro at ipakita kung sila ay nalulugi.

Panawagan ni Lee na itigil muna nito ang pagtaas ng insurance premium rates at pag-usapan muna ito.