Ipinapanukala ng isang mambabatas na isulong ang ‘agri-cool-ture’ approach para epektibong mapataas ang public awareness kaugnay sa mahalagang papel ng agrikultura at mahikayat ang mga kabataan na aktibong makilahok sa nasabing sektor.
Ayon kay Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na dapat magsanib pwersa ang present and future generations ng sa gayon mas magiging magandang hinaharap ng ating mga magsasaka, mangingisda, consumers at industry stakeholders.
Sinabi ni Yamsuan na dapat ang layunin ay i-package ang agriculture sa kahalintulad na industriya na maituturing bilang “cool” endeavors para makuha ang atensiyon ng tao.
“Instead of saying ‘agriculture, I would say ‘agriCOOLture’. Why? Because we have to make agriculture cool. When something is cool – people pay attention, people care, people want to take part in it. We cannot do something about anything we have no knowledge about,” pahayag ni Yamsuan ng dumalo ito 2024 Sustainable Agriculture Forum organized by the European Chamber of Commerce in the Philippines (ECCP).
Paliwanag ng mambabatas na ang nasabing “cool” initiatives ita tap nito ang kapangyarihan ng social media para ipa-alam sa publiko na ang agriculture and fisheries ay hindi lamang naka pokus sa pagtatanim at pangingisda kundi isang profitable enterprises gamit ang digital tools para sa mga tech-savvy na mga kabataang Filipino.
“By making agriculture, and relevant industries such as fisheries and aquaculture, cool, we can raise awareness of their importance, and crucially, attract the attention of the youth – the future stewards of these sectors. Without their participation, sustainable agri-futures may be a distant goal,” pahayag ni Yamsuan.
Pinuri ni Yamsuan ang European Chamber of Commercer of the Philippines sa kanilang dedikasyon tungo sa isang positibong pagbabago sa sektor ng agrikultura at fisheries.
Sa nasabing aktibidad bilang chairperson ng House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, iprinisinta ni Yamsuan sa forum ang mga naging accomplishments ng Kamara upang mapataas ang productivity, create high-quality jobs, at paigtingin ang trade and investments ng Philippine agriculture.
Kapwa ipinasa ng both houses ang panukalang Blue Economy Act, na naglalayong bumuo ng isang komprehensibo at inbtegrated framework para sa epektibong pangangasiwa sa karagatan at coastlines ng bansa.
Sa ngayon hinihintay na lamang ang paglagda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing panukalang batas.