-- Advertisements --

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang edad 15 hanggang 65-anyos na age range para sa mga indibidwal na papayagang lumabas sa kanilang mga tahanan ay halimbawa lamang at hindi isang rekomendasyon.

Ayon sa kalihim pagpupulungan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw upang linawin kung anong edad ang papayagan na lumabas ng kanilang mga kabahayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Noong huling beses daw kasi na nagpulong ang IATF ay nagkaroon ng rekomendasyon si National Economic and Development Authority Acting Secretary Karl Kendrick Chua ku7ng saan makikita ang age range ng mga indibidwal na pwede nang palabasin ng kanilang mga bahay.

Aniya isa lamang itong konkretong rekomendasyon ngunit kailangan pang pag-aralan ng mabuti bago isapubliko ang kanilang magiging kasunduan hinggil sa naturang paksa.