-- Advertisements --

Aminado si Acting Socioeconomic Planning Secretary at National Economic Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua na malaki ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagbabawal na makalabas ang mga bata sa kanilang mga tahanan.

Sa isinagawang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) virtual forum, nakikita na ang detrimental effect sa bansa ng umiiral na age-based restrictions.

Naranasan umano ng Pilipinas ang annual income loss na aabot ng P1.4 trillion o P2.8 billion kada aaraw dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na quarantine restrictions simula noong Marso 2020.

Dahil dito ay bumulusok pababa ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas sa -9.5% bunsod ng coronavirus pandemic.

Pagpapaliwanag pa ni Chua, 54 million ng tao sa bansa ay binubuo ng mga kabataan na nasa edad 25-anyos at 40% naman ang nasa 20-anyos. Kung magpapatuloy umano ang paglabas ng mga ito na mahalaga raw sa demographic dividedn ng ekonomiya, ay maaaring asahan na dadami pa ang mga negosyo at establisimiyento na magsasara.

Sa kasalukuyan kasi ay pinapayagan lamang na lumabas ang mga may edad 15 hanggang 65-taong gulang para sa essential and non-essential services.

Ayon pa kay Chua, tama lang ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang age-based restriction ngayon dahil sa banta ng bagong variant ng nakamamatay na virus.