-- Advertisements --

Bahagyang humina ang bagyong Agaton na ngayon ay nasa tropical depression category na, mula sa storm level kanina.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa coastal waters ng Tanauan, Leyte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang mabagal patungo sa pakanluran hilagang kanlurang direksyon.

Signal No. 1:
Southern portion ng Masbate, Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Cebu, kabilang na ang Camotes Island, eastern portion ng Bohol, Surigao del Norte at Dinagat Islands

Samantala, isa namang low pressure area ang namataan sa layong 240 km sa timog kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Habang ang bagyong may international name na Malakas ay inaasahang papasok sa Philippine territory ngayong araw.