Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang agarang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado nang pananalasa ng Bagyong Jolina.
Ayon sa DA, bibigyan ng access sa quick response fund (QRF) ang mga apektadong magsasaka at mangingisda para sa rehabilitation ng mga apektadong lugar.
Bukod dito, magkakaroon din anila ng access ang mga ito sa survival and recovery (SURE) Loan Program of Agriculture Credit Policy Council (ACPC).
Mayroon din aniyang available pang pondo sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga apektadong magsasaka.
Hanggang ngayong Setyembre 8, umabot na sa P179.47 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod nang pananalasa ng Bagyong Jolina.
Ang halagang ito ay para lamang sa mga napinsalang tanim na bigas na aabot sa 8,855 metric tons mula sa 52,608 hectares ng agriculture areas sa Eastern Visayas.
Aabot sa 61,828 magsasaka ang apektado base sa kanilang pinakahuling datos.