-- Advertisements --
Umakyat na sa 4,879 ang naitalang aftershocks sa Mindanao dahil sa 7.4 magnitude na lindol.
Sa naturang bilang, 1,202 ang plotted ng dalawa o higit na makina ng Phivolcs.
Nasa 54 naman ang naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar.
May lakas itong 1.3 hanggang 6.6 magnitude.
Na-detect ang mga ito sa pamamagitan ng Bislig City Station ng Phivolcs.
Samantala, ang 6.8 magnitude naman sa Cagwait, Surigao del Sur ay nagkaroon na ng 2,242 aftershocks.
Nasa 568 sa mga ito ang na-monitor ng dalawa o higit na pasilidad ng Phivolcs, kung saan 10 ang naramdaman ng mga residente.