-- Advertisements --
Inamin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na patuloy pa rin silang nakakapagtala ng aftershocks sa Batangas, mula sa 6.3 magnitude na lindol noong Disyembre 25, 2020.
Ayon sa Phivolcs, kahapon at pati kanina ay may mga pagyanig pa rin nai-record sa kanilang mga pasilidad.
Pero hindi na umano ito gaanong nararamdaman, dahil mas mahina na kumpara sa major earthquake na naranasan noong nakalipas na taon.
Una nang sinabi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum na ang malalakas na lindol ay tumatagal din ang aftershocks hanggang isang buwan o higit pa.
Kasabay nito, pinawi ng ahensya ang pangamba ng mga residente dahil hindi na rin halos nararamdaman ng tao ang mga pagyanig habang ito ay tumatagal.