-- Advertisements --
LA UNION – Isasagawa na ngayong araw ng Huwebes ang surfing competition sa La Union matapos ang tatlong araw na pagkaunsyami dahil sa masamang panahon na idinulot ng Bagyong Tisoy.
Kaugnay nito, sabik na rin ang mga atleta na sumabak sa kompetisyon kabilang ang mga naghihintay na spectators.
Nasa pito ang bilang ng mga Pinoy surfers ang lalaban sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon.
Habang anim hanggang walo ang mga atleta na kakatawan sa bawat bansang kalahok kabilang ang Malaysia, Thailand, Singapore, Myanmar, at Indonesia.
Ngayong araw itutuloy ang qualifying rounds na long at short board competitions para sa men’s at women’s category at bukas ang inaasahan na pagsisimula ng medal competition.