-- Advertisements --

Walang malaking epekto sa ekonomiya ang pagkakaroon ng African siwne fever (ASF) sa bansa.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, na may mga pamalit sa karne ng baboy na puwedeng tangkilin ng mga mamamayan gaya ng manok, baka at isda.

Minimal lamang ang magiging epekto nito sa P260-billion hog industry sa bansa.

Magugunitang ibinunyag ng Department of Agriculture na ang mga patay na baboy na natagpuan sa ilang bahagi ng Rizal province bansa ay positibo sa African swine fever.