Mory Kante singer
Mory Kante

Pumanaw na ang kilalang African singer na si Mory Kanté sa edad 70.

Kinumpirma ito ng anak niyang si Balla Kanté ang kamatayan ng ama sa isang pagamutan sa Conakry sa Guinea.

Sinasabing may matagal ng iniindang sakit ang singer na laging bumabiyahe sa France para magpagamot.

Kilalang Kora player ito sa west African harp.

Pinasikat niya ang kantang Yéké Yéké noong 1980.

Nagpaabot naman ang ilang mga singer sa Africa na pinangunahan ni Guinea president Alpha Conde ng pakikiramay ng mabalitaan ang kamatayan ni Kante.