-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nailipat sa buwan ng Abril ngayong taon ang isasagawa sanang AFPSAT Examination sa ikalabing lima hanggang ikalabing anim ng Marso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Maj. Jekyll Dulawan, chief ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th Infantry Division, Philippine Army na wala pang araw kung kailan isasagawa ang examination sa Abril na unang itinakda ngayong buwan ng Marso.

Aniya, ang AFPSAT Examination na ito ay bukas sa mga gustong maging opisyal at enlisted personnel.

Ang requirements para sa mga college graduate o may 72 units sa kolehiyo ay diploma, transcript of records, PSA Birth Certificate, at least 5 ft ang taas at single na kailanman hindi nagkaroon ng anak.

Sa mga senior High School graduate naman ay Diploma, Form 138, PSA Birth Certificate, at least 5 ft ang height at single na kailanman hindi rin nagkaroon ng anak.

Sa High School Graduate naman na 2015 Below ay kailangan ang Diploma, form 137, PSA Birth Certificate, TESDA NC2, at least 5 ft ang height at single na kailanman hindi nagkaroon ng anak.

Ang mga kailangang dalhin sa araw ng exam ay isang Valid ID na Government Issued, dalawang 2×2 picture na puti ang background, lapis na #2, Ballpen, Extra na damit, pangmeryenda at pananghalian, Covid-19-free Certificate na mula sa Municipal Health Office, Antigent test na isang araw bago ang araw ng examination at Alcohol.

Kailangan namang magsuot ng puting T-shirt, Maong na pantalon, Rubber shoes, Face Mask at Face Shield.

Paalala ni Maj. Dulawan na hindi sila tatanggap ng walk in kaya magregister muna sa kanilang online registration na makikita sa DRO 5th ID.

Mayroon namang limang lugar sa nasasakupan ng 5th ID na pagsasagawaan ng pagsusulit.

Kabilang na rito sa covered Court ng 5ID, CMFDC, Upi, Gamu, Isabela, sa Ifugao University sa Lamut, Ifugao, sa H2RCDG sa Soyung, Echague, Isabela, sa lalawigan ng Apayao at sa lunsod ng Tuguegarao sa Cagayan.