-- Advertisements --
image 413

Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines ang kahandaan nito upang tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng typhoon Egay.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nauna nang inalerto ang kanilang mga batalyon na nasa lugar na apektado ng lakas ng nasabing typhoon.

Pangunahin dito ay ang mga kagamitan ng mga nasabing unit na kinabibilangan ng 525th Engineer Combat Battalion (525ECBn) ng 51st Engineer Brigade (51EBde) na nakabase sa Camp Atienza, Libis, Quezon City.

Maliban sa Engineer Batallion, kumpleto aniya ang bawat unit ng AFP para tumugon sa anumang pangangailangan ng mga apektadong residente na nais mailikas.

bawat unit ng AFp aniya ay mayroong Disaster Response Operations TEAs (Tools, Equipment, Accessories).

Ang mga ito ay magagamit sa mga isasagawang rescue operation, relief, at maging sa mga clearing operation sa mga lugar na apektado ng typhoon Egay.