-- Advertisements --
Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang panukalang isama ang mga air-gun at mga replica na mga baril sa ipapatupad na gun-ban sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na kasalukuyang ikinokonsidera ng Committee on the Ban of Firearms and Security Concerns ng Commission on Elections ang nasabing panukala.
Paliwanag ni Aguilar na base sa kanilang mga karanasan na may mga insidente silang naaaresto na gumagamit ng mga replica na baril bilang panakot.
Itinuturing nila na isang banta ang mga kagamitang mukhang baril kaya agad silang kumikilos at inaaresto ang mga ito.