Balik opensiba na raw ngayon ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na ang ceasefire sa mga rebeldeng CPP-NPA.

Ayon kay PNP officer in charge Lt.Gen. Archie Gamboa, uunahan na nila ang mga rebelde sa pag atake, partikular na ang mga may kaso target nila ngayon.

Sa panig naman ng AFP, agad nilang simulan ang pinalakas na combat operations sa sandaling tumuntong exakto alas-12:00 ng hatinggabi ng November 8, 2020.

Ayon kay AFP Spokesperson, B/Gen. Edgard Arevalo, tatlong paglabag ang naitala ng militar laban sa komunistang grupo habang nasa gitna ng holiday ceasefire.

Giit pa ni Arevalo, natalo rin ang taumbayan dahil hindi naman nakamit ang ganap na kapayapaan. Sa halip ay lalo pang lumakas ang loob ng mga rebelde na samantalahin ang okasyon para paigtingin ang pagpapalaganap ng kanilang propaganda.

-- Advertisement --

Aniya, hangga’t hindi tinatalikuran ng CPP-NPA ang armed struggle, walang balak ang AFP na magrekomenda ng national level truce.