Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na wala silang natatanggap na ulat hinggil sa mga aktibong military personnel na na-recruit sa Chinese firms.
Ginawa ng AFP ang paglilinaw matapos ang babala ng DICT na may ilang kompaniya ang nagpapanggap na nakabase sa US o Europa na tinatangkang mag-recruit ng mga nagretiro na at aktibo pang military personnel sa part-time jobs.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ilan sa mga nagkomento sa isang recruitment section ay wala na sa serbisyo.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng verification ng AFP.
Sinabi rin ni Col. Padilla na pinaalalahanan na rin ng liderato ng AFP ang mga tropa na mag-ingat sa ganitong mga bagay.
Samantala, ayon kay Col. Padilla ang naturang online recruitment sa mga military personnel ay isinasagawa na noon pang nakalipas na Disyembre 2023.