-- Advertisements --

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sangkot ang mga sundalo sa nangyaring insidente ng pamamaril sa loob ng Senado gabi nitong Miyerkules, Mayo 13.

Ayon kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga namataang Marines sa loob ng Senado bago ang insidente ay nakatalaga na sa naturang gusali bilang parte ng kanilang regular security duties.

Paliwanag ng AFP Chief na nakausap nila ang mismong commander at itinangging nagpaputok sila dahil nandoon lamang sila para magbigay ng suporta.

Paglilinaw pa ng heneral na trabaho ng Marines na nakatalaga sa Senado na i-secure ang pasilidad at hindi ang seguridad ng isang senador.

Binigyang-diin ni Gen. Brawner na walang pinaputok na anumang bala ang kampo ng military personnel na nakatalaga sa Mataas na Kapulungan.