-- Advertisements --
AFP CHIEF GEN. ROMEO BRAWNER JR

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na wala dapat pakialam ang China sa isinasagawang rotation and resupply mission ng mga tropa ng militar sa mga sundalong nakadeploy sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na “none of their business” ang misyon ng Pilipinas sa nasabing lugar dahilan kung bakit wala aniyang karapatan ang mga ito na makialam sa operasyon ng ating bansa.

Sinabi ng tagapagsalita ang naturang pahayag kasunod ng inilabas na statement ng China kung saan kinokondena nito ang misyong isinagawa ng apat na barko ng Pilipinas para sa pagreresupply sa mga sundalong nasa Ayungin shoal, kasabay ng kanilang walang katapusang claim na pumasok umano nang walang pahintulot ang mga barko ng Pilipinas sa kanilang teritortyo.

Kung maaalala, una nang isiniwalat ng Philippine Coast Guard na tinangka ng Chinese Coast Guard na harangan ang mga resupply boat ng Pilipinas.

Ngunit gayunpaman ay iginiit naman ng AFP na sa kabila nito at ng iba pang insidente ng panghaharrass ng China sa West Philippine Sea na nananatili pa ring mataas ang moral ng mga tropa ng Pilipinas, at pawang nananatiling determinado pa rin aniya ang mga ito na magtrabaho para protektahan ang interes ng ating bansa.