Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. na palalakasin ng militar ang mga kakayahan nito na harapin ang mga umuusbong na banta sa bansa.
Ito ay habang pormal na binuksan ang joint exercises sa mga major services ng tropang militar.
Aniya sa pagsasanay na ito, palalakasin ang territorial defense posture, patatalasin ang external security capabilities at tutugon sa mga umuusbong na banta sa buong bansa.
Mahigit 1,500 na active and reserve forces mula sa Army, Air Force, Navy, Marines, Special Operations Command at Cyber Group ang makikibahagi sa AFP Joint Exercises ‘Dagat-Langit-Lupa”.
Idinagdag ni Brawner na ang determinasyon, walang kapantay na kasanayan at hindi natitinag na pagkakaisa ay makakatulong sa buong hanay ng militar.
Sa pamamagitan ng nasabing ehersisyo, ipapakita aniya ng AFP sa mundo na ito ay isang puwersa na dapat isaalang-alang.
Idinagdag niya na ang mga pagsasanay ay makakatulong din sa militar sa pagtukoy ng mga dapat pang idevelop at mapabuti.