-- Advertisements --

Nilinaw ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang kaniyang naunang pahayag sa isinagawang executive session sa senado noong May 29, 2017 na ang ibig niyang sabihin noon ay kaya ng mga government security forces tugunan ang problema at sitwasyon sa Marawi City kahit walang Martial Law.

Binigyang-linaw ni Lorenzana na ang implementasyon ng Martial Law ay para tugunan ang problema sa seguridad sa buong Mindanao.

Sa ngayon kontrolado ng government forces ang sitwasyon sa Marawi City.

Inihayag ni Lorenzana na layon lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdeklara ng Martial Law ay para tapusin na ang problemang rebelyon sa iba’t ibang probinsiya sa Mindanao.

Patunay dito ang mga insidenteng nangyari sa Zamboanga, Davao, Bohol, Lanao, Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Maguindanao.

Inihayag ni Lorenzana na batay sa pahayag ng pangulo na kung magdedeklara siya ng Martial Law ay tatapusin nito ang lahat ng problema sa terorismo na may kaugnayan sa foreign terrorists group.