Nagpahayag ng kahandaan ang Armed Forces of the Philippines na tulungan ang Philippine Coast Guard na mas paigtingin pa ang cyber security nito.
Kasunod dito ng magkasunod na insidente ng hacking sa Facebook page ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay AFP Spokesperson and cybersecurity expert Francel Margareth Padilla, nakahanda ang kanilang hukbo na magpaabot ng tulong sa iba pang ahensya ng bansa may kaugnayan man o wala sa national security concern ang isyu.
Kung maaalala, una nang sinabi ng PCG na kasalukuyan na itong nagsasagawa ng hardware check kasama ang kanilang mga IT experts mula sa Coast Gaird Weapons, Communication, Electronics, and Information System Command.
Kasabay nito ay tiniyak naman ng PCG na walang nangyaring data breach o data leakage sa naganap na mga hacking incident sa kanilang official Facebook account.