Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Felimon Santos na hindi maaapektuhan ang kanilang regular military activities dahil sa dagdag nilang trabaho at ito ay ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng emergency cash aid ng gobyerno.
Siniguro ni Santos na suportado ng AFP ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa pamamahagi ng cash assistance sa ating mga kababayan.
Kasama ng AFP ang PNP at DSWD sa distribusyon ng cash aid.
Pero nilinaw ni Santos na ang AFP ay magpo-provide ng manpower at security pero ang DSWD pa rin ang main agency para pangunahan ang aktibidad.
Samantala, ayon naman kay AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo walang epekto sa kanilang security operations ang bago nilang trabaho.
Giit ni Arevalo, tututukan ng AFP ang mga lugar na mas nangangailangan o problematic areas ng financial assistance sa mga pamilya na apektado ng pandemic.