-- Advertisements --

IMT2

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili silang committed sa usaping pangkapayapaan na naglalayong mapanatili ang peace and order lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Ang pahayag na ito ni AFP chief of staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana ay nang magsagawa ng exit call ang grupo ni Major Gen. Dato’ Muhammad Anwar Bin Abdullah, Head of Mission of International Monitoring Team Mindanao-15 (IMT M-15) na nakatakdang magtapos ang kanilang tour of duty sa darating na March 15, 2021.

Ayon kay Sobejana ang International Monitoring Team ay isang third-party international body na inatasang-mag monitor sa implementasyon ng peace agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang nasabing contingent ay binubuo ng 16 na Malaysians, walong Bruneians at isa mula sa European Union.

Sinabi ni Sobejana na ang IMT M-15 ay crucial partners lalo na sa ceasefire mechanism para mapanatili ang proper conduct ng law enforcement operation ng AFP, PNP at MILF.

Malaki rin daw ang naiambag ng IMT sa pagpapahupa ng tensiyon sa lugar ng sa gayon maging stable ang ceasefire agreement at confidence building na rin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Binigyang-diin naman ni Sobejana na ang mga lugar na sakop ng IMT ay nananatiling mapayapa.

Dahil sa maganda ang performance ng IMT team ginawaran sila ng AFP Commendation Medal and Ribbon ni Gen. Sobejana.

Suportado rin ng AFP ang mga stakeholders mula sa security sector, public sector at maging sa international community para mapanatili ang best interest ng mga kababayan natin lalo na ang mga nasa Bangsamoro region.