-- Advertisements --

Mariing kinondena ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Jose Faustino ang pagpatay nitong Miyerkules ng mga terroristang komunista sa isang sundalo na nagsasagawa ng humanitarian activities sa Bgy. Lahug, Tapaz, Capiz.

Ayon kay Faustino ang brutal na pagpatay kay Corporal Frederic Villasis ng 12th Infantry Battalion, 3rd Infantry Division, Philippine Army na naka-assign sa community Support program ay patunay lang na anti-people at anti-development ang NPA.

Ginawa pa aniya ng mga terroristang komunista ang karumaldumal na krimen sa bisperas ng pagdiriwang ng International Humanitarian Law Day.

Ipinaabot naman ni Lt. Gen. Faustino ang pakikiramay ng AFP sa asawa at dalawang batang anak na iniwan ni Corporal Villasis.

Siniguro naman ni Lt. Gen. Faustino sa pamilya ng biktima na gagawin ng AFP ang lahat para makamit nila ang hustisya.